Ito naman po ang Part 2 ng tutorial ng "How to use TTF Fonts for N70 or S60 phones". Kung sa Part 1 ay itinuro ko sa inyo kung pano gagamitin ang TTF fonts sa inyong S60 phones, ngayon naman ay ituturo ko sa inyo kung pano tatanggalin or babaguhin ang fonts ng cell phones nyo.
Unang-una, dapat meron ka uling File Manager na naka-install sa phone mo. Pwedeng FExplorer, SmartFileMan, SeleQ, X-plore, etc... Kahit alin sa mga iyan basta kayang nag-edit ng files and folders ng phone mo. Sa tutorial uli na ito, LCG's X-plore ang gamit ko.
- Ang first step natin, punta kayo sa C:\Data\.

- Sa loob ng Data Folder, palitan ng pangalan ang Fonts Folder.
example,
C:\Data\Font- Pagka-tapos nyan, pwede mo ng i-delete ang FontRouter.INI at ang Helvetica.TTF.
- Next, punta naman kayo sa C:\System\Fonts.
- Tulad sa ginawa kanina, palitan din ng pangalan ang Fonts Folder.
example,
C:\System\Font- Pagka-tapos nyan, pwede mo ng i-delete ang FontRouter.DLL.
- I-restart ang phone mo at hintaying mong bumalik sa dati ang font mo.
Ngayon, pano naman kung gusto mong palitan lang ang font? Kung baga, mula sa dating font (
Helvetica) gusto mo naman gawing
Arial ang font mo?
Still, the same procedure. Ang pinag-kaiba lang nila, hindi mo ide-delete ang
FontRouter.DLL at hindi mo ire-rename ang
C:\System\Fonts.
Ang papalitan mo lang ay ang FontRouter.INI at ang gusto mong font. Example uli, gusto mong gawing Arial ang font ng phone mo, from step 1,
- Rename mo ang C:\Data\Fonts at gawing C:\Data\Font.
- I-delete ang FontRouter.INI at ang Helvetica.TTF.
- Sa C:\Data\Font, jan mo naman ilalagay ang bagong FontRouter.INI at ang Arial.TTF.
- I-restart ang phone at hintayin mong magbago ang font ng phone mo.
TAKE NOTE:Kung magpapalit ka ng font mo, dapat ibang
FontRouter.INI ang ilalagay mo. Hindi mo pwedeng gamitin ang yung dati.
Ito nga pala ang pinagkaiba ng
FontRouter.INI sa
FontRouter.DLL:
FontRouter.DLL
- Ang FontRouter.DLL ay syang nagbibigay ng authorization na baguhin ng isang tao ang font ng cell phone nya.
FontRouter.INI
- Ang FontRouter.INI naman ay syang nakakapagpa-bago ng font ng cell phone mo. Jan kasi naka-lagay kung anong phone ang gagamitin nya para mapaltan ang default mong font.
At jan nagtatapos ang aking tutorial. Kung may mga tanong pa kayo, mag-comment nalang kayo dito para matulungan ko pa kayo.
Enjoy! ^_^